KEISHA Sa pagsapit ng dilim, hindi alam kung may naghihintay pa rin. Nakakasulasok na tanawin, tumambad sa amin nang wala man lang paumanhin. Samu't-saring tanong ang nabuo, bakit nagkaganito ang impyernong minamahal ko? Umakyat ang takot, niyakap ang aking buong sistemang nanginginig na mahanap ang sagot. Sino ang may pakana? Saan kaya namin hahagilapin ang kanyang lungga? Karumaldumal na sinapit ng mga ligaw na kaluluwa, may hustisya kayang naghihintay sa kanila? "Sh*t! Kamatayan, wala na si Manong guard! tanging ang mga gamit na lang nito ang naiwan. May bakas ng dugo malapit sa tinutuluyan nito pero bigo akong makita ang kanyang katawan." Hindi ko maalis ang aking mga mata sa tanawing tumambad sa aming lima. Hindi na ito 'yong mala-circus na SAA na punong-puno ng mga samu't-saring