MARIEVICK Sh*t! Paano ba ako naipit sa ganitong sitwasyon? Hindi ko pwedeng sabihin kay Zandra na ginagamit ako nina Kamatayan para mag-espiya sa pinag-uusapan namin ngayon. Pero paano kung totohanin ni Keisha ang kanyang banta? I know she's capable of doing it, lalo na't pinapaboran na siya ngayon ni Kamatayan. "Bek? Earth to Marievick!" malakas na tawag ni Zandra. "Huh? Ahh~~sorry," tarantang sagot ko at tumakbo sa kanila. "'Yong seryoso? May sakit ka ba? May problema? Kanina ka pa nakatulala d'yan," taka at may halong pagkairitang tanong ni Zandra. Imbes na sumagot, nabaling ang atensyon ko sa nangungusap na mga mata ni Kate. Mahuhuli na niya kaya ako? "Tumakas ka lang ba?" tanong ni Kate. Nag-aalangan akong tumango, "Kaya naman pala. Kung nakokonsensya ka, at gusto mo nang umuwi, d