Nagmamadaling tumakbo ang ginang patungo sa kwarto ng kanyang anak upang ibalita ang nangyayari. Tagaktak ang pawis nito sa katawan ngunit hindi niya ininda iyon. Patuloy siya sa pagkatok at noong siya'y pinagbuksan, kaagad niyang hinila ang braso nito pababa nang hindi sinasabi ang dahilan. SOPHIA "Mom, wait! Ano ba?" tarantang tanong ko dahil hindi mapakali si mommy. Bigla na lang siyang nanghahablot ng braso, kaya itong si Zach, kaagad ding tumaliman para sundan kami. Hindi ito sumagot hanggang sa makarating kami sa baba. Itinuro nito ang telebisyon at laking gulat naming lahat nang makita ang kapatid ni Zach na ini-interview. "Ang grupo ni Sophia Jelyca Yu ang may pakana no'n, President," ani no'ng putanginang demonyo na nagawa pang magpaawa na halata namang peke. "Siya rin ang nag