KEISHA Bagot kong pinagmasdan ang pag-ikot ng kamay ng orasan habang hinihintay ang tawag ni Kamatayan. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nila ngayon ni Zandra. Alam ko naman na kakausapin niya iyon ngayon sa huling pagkakataon. Natuwa nga ako no'ng nag-send ng pictures ang boba na magde-date raw sila ng boyfriend ko. Pffft! Siguro ngayon ay umiiyak at nagmamakaawa na siya. Ewan ko na lang kung makakatulog siya simula ngayon dahil napakaganda ng plano ko para sa kaniya. Yes, opo. Ako ang nagsabi kay Kamatayan kung ano ang magandang leksyon na ibigay kay Zandra 'coz that's my expertise, you know. Alas nuebe na wala pa ring update mula sa buang na 'yon. Ano na kaya ang nangyari? Hindi kaya niya napigilan ang kaniyang sarili at tuluyan na niyang tinegi si Zandra? "Geez. Come on, babe