ZANDRA "Pwedeng kumalma ka? Kanina ka pa hindi mapakali d'yan. And what's wrong with your ugly face? Ewww, smiling like an idiot!" sabi ni Kate na may halong pagkairita, or should I say pagkainggit sa tono ng pananalita niya. Tsss, hindi niya ako masisisi kung abot langit ang ngiti ko ngayong gabi dahil napaka ganda lang naman ng surpresang ibibigay ko kay Kamatayan. Kung tutuusin, walang katumbas na halaga 'tong regalo na inihanda ko sa kanya kaya natural lang na magdiwang ako, 'di ba? "Well, sorry. Naaamoy ko na kasi ang tagumpay. Like, pakiramdam ko sa mga susunod na araw lang eh mapapasaakin na si Kamatayan," masayang tugon ko sa harap ni Kate. Sinadya ko talaga na medyo ilapit ang mukha ko sa kanya para madama niya na sa aming dalawa, ako ang magwawagi. "Hah! Really? Hahahaha! Oka