SOPHIA Naririto na naman ako, pagod na hinihila ang bangkay ni Xen patungo sa gitnang bahagi nitong gubat ng SAA. Paano ko nagawa ang pangalawang krimen? I'll tell you another secret. ------------------------------------ "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na niloloko ka lang no'ng Xen na 'yon! Idineny ka niya sa harap ko noon tapos kakampihan mo pa rin s'ya?" sigaw ko sa kabilang linya. Kasalukuyang isinasagawa ko ang misyon ko dito sa SAA. May nakarating kasing sumbong sa akin na nagkikita pa rin sina Keisha at Xen. Binalaan ko na ang lalaking 'yon na lubayan ang kapatid ko dahil ngayong namamayagpag na ang pangalan niya, hindi na ako magtataka kung ang almusal niya rin ay puro death threats at syempre, hindi imposibleng hindi madamay ang kapatid ko kapag natunugan ng mga kalaban na