SOPHIA Hindi magkandaulayaw si mommy sa kakaintriga kay Zach na kasalukuyang nandito sa bahay. Labis akong nagulat noong ibalita niya sa akin kung anong nangyari sa bahay nila at bilang kasintahan niya, hindi ko napigilan na hindi magalit dahil sinong matinong magulang ang magpapalayas sa anak niya sa gano'ng kababaw na dahilan? "Hindi ba ikaw 'yong laging pumupunta rito para makitulog, 'di ba?" maligalig na tanong ni Mommy. Naku! Kapag nalaman ni Dad kung paano umakting ang kanyang asawa sa harap ng ibang lalaki, paniguradong magrarambulan silang dalawa. Nahihiyang sumagot si Zach dahil masyadong malapit ang mukha ni Mom kaya naman hinapit ko nang kaunti ang kanyang katawan dahil kaunti na lang susubsob na siya sa dibdib ng boyfriend ko. "Opo. Paano niyo po nalaman? Hindi po ba pumu