"I apologise, Miss Fuentebella for knocking you out of consciousness. Forgive me for my insolence. By the way, my name is Vernon Augustin.” Dinig niyang wika ng hindi nakikilang tao nang kaniyang imulat ang mga mata. Kaya naman ay nagwika rin siya. "At bakit mo ako dinukot, Augustin? Bakit ka pa humihingi ng paumanhin kung nagawa mo naman? Ngayon, maari ko bang malaman kung ano ang dahilan mo at dinakip mo ako?" sunod-sunod niyang sabi kasabay nang pag-upo ng tuwid. Isa iyon sa natutunan niya sa mahal niyang si Daddy Ramil. Kahit may takot na nadarama ay huwag itong ipakita bagkus ay harapin sila ng buong puso at dignidad. "Huwag ko sanang masamain, Miss Fuentebella. Nais lang kitang kausapin. But my chances are slim, as I have noticed your distant behaviour towards men. I even follow