"TAMA lang ang ginawa mo, Mrs Saavedra. Ngunit nararapat na mag-ingat ka sa susunod lalo at buntis ka. By the way, pasok ka." Pagsalubong ng isang lalaki kay Stephanie. Wala naman kasi siyang choice kundi ang magtungo sa lugar na sinabi ng asawa sa dalawang rason. Una upang tuluyang mailigaw ang mga sumusunod sa kaniya at pangalawa ay makausap na ng maayos ang mga tinutukoy ng asawa na maaring makatulong dito. "Mukhang kilalang-kilala mo ako, Mr? Tama, binilinan ako ng aking asawa na pumarito sa lugar na ito pasekreto subalit hindi ko akalaing inaabangan n'yo ang aking pagdating," aniya. Kaso ang isa naman ang sumalo sa pagsagot sana nang sumalubong sa kaniya. "Huwag kang matakot, Mrs Saavedra. Dahil kakampi mo kami. Maaring walang nakakaalam kung kailan subalit inaabangan talaga namin