"SINCE that you are both here, sister-in-law and Miss Stephanie, why not have before going back to Madrid?" masayang tanong ni Romnick sa mag-inang Maricar at Stephanie. Gusto rin niyang personal na man manmanan ang mga ito. It's been a while after all since he sent Vernon in Madrid to investigate a little about the young lady. Sa tanong na iyon ng bayaw ay bumaling si Maricar sa asawa. "Ikaw, Honey, ano'ng desisyon mo? Kung ako ay walang problema. Absent na ako ngayong araw kaya't lubos-lubusin ko na. I will abide by your decision," aniya. "Walang problema, Hon. Dapat lamang na magsaya tayong lahat. Dahil ipinahintulot ng Diyos na hindi ako nakaabot sa flight ko kahapon. Pero, nasaan si Mondragon? Ang sabi mo ay eroplano niya ang sinakyan ninyo ni Stephanie. Ibig sabihin ay nandito ri