"KUMUSTA na siya, Marielle? Ah, hiwag mo sanang masamain pero ilang buwan mula ngayon ay manganganak na siya. Okay lamg ba siya?" magalang na tanong ni Mary sa kapwa katulong o ang nanny ng step-daughter ng yumao niyang master o kambal ng mismong amo. "You don't need to be apologetic, Mary. Dahil kitang-kita naman nating lahat na wala pa rin siyang ipinagbago simula noong dumating kami rito mahigit isang buwan na ang nakalipas. And yes, three months from now, she will give birth her son," malungkot nitong sagot. Kaya naman ay kusa siyang yumuko upang pumantay sa tulalang dalaga at nakatanaw sa malayao. "Hello, Stephanie. Gusto mo bang kumain? Sabihin mo lang at dalhin ka namin ni Marielle sa kusina. Sabi kasi niya ay mahilig kang magluto. Baka maari akong makakain ng luto mo upang maiba