"HINDI ko tuloy alam kung ano ang una kong sasabihin, hubby. Pino-problema pa lang natin kung paano tatanggapin at pakiharapan ni Alessandro ang anak ngunit ang kapatid ang kikilalaning ama. Subalit--- My God! What's happening on earth?" sambit ni Stephanie. Ngunit dahil hindi nakayanan ang pressure ay napaupo siyang bigla. "Wifey! Huwag mo naman akong takutin ng ganyan! Nasa pagamutan pa ang manugang natin. Kaya't parang-awa mo na huwag mong hayaang talunin ka ng iyong emosyon!" napalakas na sabi ni Romnick kasabay nang paglapit sa asawang hawak-hawak ang dibdib. "Alam ko! Alom ko ang lagi mong ipinapaalala sa akin, hubby! Ngunit hindi mo pa rin ba nakukuha at napagtatagpi-tagpi ang nangyayari? Nawala na ang apo natin! Dahil---" "Ano ba?! Ilang beses ko na bang sinabing huwag mong akui