"MASAYA akong madalas ka ng nandito sa Paris ngunit nalulungkot naman dahil wala ng kasama ang Kuya mo sa Madrid. Sigurado ka bang hindi kayo nag-away ng Kuya Alessandro mo?" salubong na tanong ni Stephanie sa anak. Ilang taon na rin ang nakalipas simula noong naging 'gurang ulit' ang dalawang barako ayon sa bunso nilang anak. Dahil simula noong nangyari ang insedenteng iyon ay wala na ulit silang nabalitaang na-link sa mga ito o babaeng naugnay. Bagkus ay itinuon ang oras sa trabaho at sa kambal na sa kasalukuyan ay nasa grade twelve. Sa university na papasok ang mga ito sa susunod na school year. "Grabe naman si Mommy. Hinding-hindi po kami nag-aaway ni kambal ayon dito. Huwag daw Kuya ang tawag sa kaniya kundi kambal. Baka sakali raw na makasalubong namin ang magdala sa aming pagka-Sa