"NICO, ALESSANDRO, where are you both? Bakit hindi ko kayo makita?" tanong ni Stephanie. Aba'y naging pasaway na rin ba ang mga anak niya at siya na rin ang pinagtripan? Naririnig niya ang boses ng mga ito subalit wala siyang nakikita. "Mom, nandito po kami sa tabi mo. Hmmm... Kasama po namin si Uncle Bryce at---" Kaso ang may asthma ay kusang napatigil. Lalo at laging hinahabol ang hininga. Kayq naman ay dali-dali nilang iniabot ang inhaler nito. Sinamantala iyon ni Romnick. Ginanap niya ang palad ng asawa saka dinala sa tapat ng labi. Ngunit hindi oa nga siya nagsimulang nagsalita ay umagos na ang ang luha sa kaniyang pisngi. Ganoon pa man ay hinamig niya ang sarili. Dahil alam "I miss you, wifey. Hindi ko na itatanong kung paano nauwi sa ganyan kalala ang kalagayan mo. Dahil sigur