"WELL, well... Mukhang naging mayabang na rin ang tulad mo, Mrs Saavedra? Ikaw na kinatalo ang sarili mong ina dahil sa pag-ibig kuno ay may nalalaman tungkol sa pagpapatakbo sa negosyo? Don't be assuming," paismid na saad ng basta na lamang sumulpot. Sa narinig ay natigilan si Stephanie. Ilang taon na ang nakalipas simula nawala ang ina at amain niyang naging kalaguyo niya. At naging dahilan nang pagtira nilang mag-Yaya sa Paris ng ilang buwan. Bukod sa kanilang mag-asawa ay walang nakakaalam sa bagay na iyon sa Paris maliban sa dating kasintahan ng asawa niya. Paanong nangyari na alam ng babaeng basta na lamang sumusulpot ang tungkol doon? Hindi kaya't--- Tama! "Natigilan ka, Miss Stephanie Fuentebella Saavedra? Ah, akala mo siguro ay walang nakakaalam tungkol sa baho mo sa Madrid ano