"KUMUSTA na ang mga anak ko, Doctor? Bakit basta na lamang sila pumalahaw? Si Nico ay halos panawan ng ulirat samantalang si Alessandro ay namumula na. What's the matter with them, Doctor?" kinakabahang tanong ni Stephanie sa manggagamot na umasikaso sa mga anak. "Hindi ko alam kung sasabihin ko bang huwag kang mag-alala o relax ka lang, Mrs Saavedra. Dahil sa katunayan ay may asthma ang cute na si Nico. Umaasa akong sa kaniyang paglaki ay mawala rin iyan. He needs proper maintenance of medication and your guidance as a mother. Walang problema kay baby Alessandro, Mrs Saavedra. Maaring nagulat siya sa pag-iyak ng younger brother niya kayat umiyak na rin. Aside from that, there's nothing more," paliwanag nito. And, yes! Simula umuwi sila ng Madrid halos tatlong taon na ang nakalipas ay p