"WHO are, Miss?" tanong ni Marielle sa taong kumatok sa kanilang pintuan o ang tahanan ng kaniyang mga amo. "I-im lost and h-hungry," nanginginig nitong sagot at kung tutuusin ay lilipad ito sa isang pitik. Sasagutin na nga sana niya ito kaso eksakto namang lumabas ang dalaga at papasok sa trabaho. "Auntie, may bisita pala tayo. Bakit hindi mo papasukin?" ani Stephanie. "Itatanong ko pa sana sa iyo, Senyorita. Dahil wala ang Mommy at Uncle Ramil mo," aniya. "Ikaw naman, Auntie. Bakit mo pa itatanong samantalang nandiyan ka. Ikaw na po ang bahala at ako ay papasok na po," tugon nitong muli bago yumakap sa kaniya. Kitang-kita pa niya ang pagsulyap nito sa silid ng mag-asawa. 'So, siya pala ang babaeng kinahuhumalingan ng kambal ng fiancee ko. Well, maganda at mahubog din.' Hindi maar