"HEY, man! What the h*ll you are doing?! Tumayo ka rin dahil baka ako ang hilain ng kambal mo papunta sa kaniya!" malakas na sabi ni Bryce Luther sa mukhang ibang pakulo na naman ang naisip. Matutuwa na nga sana siya dahil ibinalita ng assistant niyang nasa Madrid ang lintik. Kaso pagdating na pagdating sa bahay niya ay lumuhod sa mismong paanan niya. "Alam kong nagkasala ako, brother. Kaya't hayaan mo akong humingi ng patawad sa sa iyo---" "Then, ask for forgiveness without kneeling! Darn! Ano'ng akala mo sa akin Diyos na kailangan mong luhuran? Hah! Tumayo ka na riyan kung ayaw mong ako mismo ang maghahatid sa iyo sa sementeryo!" muli niyang sigaw! Kaso! "Boss, paano natin malalaman kung ano ang nangyari sa kaniya kung ihahatid mo siya sa sementeryo?" Ang assistant niya ay biglang