"ULITIN mo nga ang sinabi mo, Alessandro Ramil Saavedra?! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba o nasisiraan na?!" Bulalas ni Stephanie at bakas na bakas na hindi makapaniwala sa narinig mula sa panganay na anak. "Mommy, alam kong narinig mo ng maayos ang sinabi ko. At talagang babalik ako sa Madrid dahil nandoon ang baby loves ko. Kahit ibala ako ni Uncle Bryce sa aerial bomb ng mansion nila ay walang problema. Ang mahalaga ay nasa malapit lang ako." Kibit-balikat ng binata. 'Ayaw kong manirahan dito habang naghihilom ang sugat ng puso ko, Mommy, Papa. Mahal ko si Princess Isabella pero sila ni Nico ang nagmamahalan. Iisang dugo ang nanalaytay sa aming dalawa at mas malapot ang dugo namin kaysa tubig,' aniya sa sarili. "Hey, young man. Kung may gusto ka sa dalaga ng Uncle Bryce ninyo ay ligaw