'DARN! What the h*ll is going on with you, brother?!' galit na tanong ni Bryce Luther. Aba'y paanong hindi siya mapapasigaw samantalang kulang na lamang ibuking nito ang sarili. Samantalang halos sampung taon na nitong itinatago ang bawal na pag-ibig sa step-daughter. 'Ngayon ay magsalita ka kung ano ang problema mo, Saavedra. Dahil kung hindi kita pinagtatakpan ay matagal ka ng nabuko ng iyong asawa. Okay, let's say, walang problema sa iyo dahil lalaki ka at maari kang umuwi sa Paris kay Brother Nick. Ngunit ang lover mo, naisip mo ba kung ano'ng buhay mayroon siya oras na malaman ng asawa mo ang tungkol sa tunay ninyong relasyon? Siya ang pinakawawa sa inyong tatlo, brother. Kaya't kung ayaw mong matiklo ay ipagpatuloy mo ang ganyang gawain!' Mula sa malumanay pananalita ay muling nab