“I miss you, baby. How are you?” Mensahe na natanggap ni Stephanie mula sa kaniyang amain. Tama, miss na miss din niya ito. Ngunit sa kaisipang nawala ang sanggol at wala ito sa tabi niya sa panahong iyon ay hindi na sila muling nag-usap. Nakatira silang lahat sa iisang bubong ngunit kulang na lamang na magbanggaan sila ngunit nanatiling kapwa tikom ang mga labi. Sa madaling salita ay naging estranghero sila sa isa't-isa. Naisip niyang mag-reply sa message nito at bago pa magbago ang isipan niya ay nag-type na siya ng sagot. “Why are you messaging me? Do you have something to say?” aniya sa message saka pinindot ang SEND. Ibabalik na nga sana niya sa kaniyang shoulder bag ang cellphone niya kaso tumunog itong muli. 'Maaring tumigil ka na, please? Nawala na si baby kaya't tigilan mo n