"WHY, wifey? Ano ba ang nangyari at bakit ka sumisigaw?" kaagad na tanong ni Romnick sa asawa. Naalimpungatan naman kasi siya dahil parang may mag-aaway sa nasa malapit iyon pala ay may inaaway sa panaginip ang asawa niya. Kaso imbes na sumagot ito ay tahimik na umusog sa sulok ng kanilang higaan. Yakap-yakap ang sarili na wari'y wala itong narinig. Kaya naman ay sinundan niya ito at akmang yayakapin. "Ano ba?! Bakit ba sunod ka nang sunod? Baari bang layuan mo ako?!" sigaw nito. Tuloy! Natigilan siya. Sa unang pagkakataon ay sinigawan siya nito. Kaya't hindi niya alam kung paano ito muling kausapin. "Wifey, wala akong alam kung bakit bigla kang nagkaganyan. Ang ganda-ganda pa ng kuwentuhan natin kagabi bago natulog. Pero bakit galit na galit ka ngayon? C'mon, wifey, tell me what is t