"ALAM mo bang nasa bingit ng kamatayan ang anak ko nang dahil sa mga anak mo, Elena?" patanong na saad ni Mrs Fuentebella-Saavedra sa dating asawa ng namayapa niyang maybahay o ang Papa ni Stephanie. Kaso mas umusok lamang ang kaniyang bumbunan dahil sa isinagot nito. "Oh, really? Ganoon ba kalala ang kalagayan niya? Pero teka lang, Attorney MM. Ayon sa mga anak ko ay dinukot lang nila ito. Hindi naman nila nabanggit na pinahirapan nila ito. Baka naman over-acting lang ang mo?" anitong nagtaas pa ng kilay. Kaya naman bago pa niya napigilan ang saril ay nasabi na ang nasa isipan at katumbas ng mapang-insulto nitong salita. "Dahil ikaw din ang may kagustuhang kumilos ako bilang isang abogado ay pagbibigyan kita, Elena. Yeah, with my full authority as a defendant of my daughter, prepare y