“COME here, may ipapagawa ako sa iyo.” Nagkunwaring walang naririnig si Mara. Naka-focus lang siya sa kanyang computer. Paano ba naman kasi pang ilang tawag na iyon ni Denver at sa tuwing lalapit siya dito bigla na lang siya nitong kakabigin ng yakap at sisiilin nang isang maalab na halik. Buong araw na silang walang nagawang trabaho. “Ayaw mong makinig?” Napahigpit ang hawak ang hawak ni Mara sa mouse ng computer. Pinaglalabanan niya ang kagustuhan na muli itong lapitan. Sa sulok ng mata niya ay nakita niyang tumayo ito at naglakad papunta sa kanya. Tumanghay ito sa monitor. Umiling. “Mas importante ba iyan kesa sa akin?” May pagtatampo na sa tono ni Denver. “Hindi ba kailangan mo na ito?” “Pwede mong ipagliban iyan,” anito na pagkatapos siyang patayuin ay tinabig ang lahat ng pape

