KASALUKUYANG lulan si Mara sa kotse ni Denver. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumama dito sapagkat hindi maiwan ng kanyang ina ang trabaho. Ito sana ngayon ang sasama sa binata. Kagabi kasi ay biglang tumawag ang kanyang Ate Bella. Kinausap silang lahat. Uuwi daw ito nang mas maaga. Susundin nito ang na naunang plano na three months lang ito doon sa London. Gusto nito na sa pagbalik nito ay nakahanda na ang kasal. Marahil may kinalaman ang pagkahuli niya sa pagtataksil nito ang naging desisyon. Makikipagkita sila ni Denver sa wedding planner para kunin na ang mga invitations at para makita na rin ang susuotin na mga ito sa araw ng kasal. Napansin niya na maganda ang mood nito ngayong umaga taliwas noong mga nakaraang mga araw na malungkot at weird ng mga kinikilos. Marahil ay masay

