NAPAKUNOT-NOO si Denver nang pagpihit nang doorkknob ng Condo ay naka-lock iyon. Ibig sabihin ay wala sa loob ang kanyang asawa. Nagtaka siya dahil hindi pa nangyayari iyon. Hindi mahilig gumala si Mara. Mall at sa Condo lang ni Doktora Eliza ang laging destinasyon nito at uumuuwi ito bago sumapit ang gabi. May naramdaman siyang kakaiba lalo na’t hindi nag-text o tumawag si Mara para ipaalam sa kanya na gagabihin ito. Buong araw siyang busy pero nagawa pa rin niyang tawagan ito ng tatlong beses. Pero sa lahat ng tawag na iyon ay operator ang sumasagot dahil naka-off ang cp nito. Inakala lang niya na battery empty ito at nakalimutan na mag-charge . Nakakaligtaan kasi nitong i-check ang cellphone lalo na kung may ginagagawa na naman ito na isang eskspermento. Agad niyang binusuksan ang Co

