THREE YEARS LATER LABIS ang kaba ni Mara habang lulan ng taxi. Papunta siya sa hospital dahil isinugod daw doon ang anak na si Dalton. Hindi na sana siya papasok sa opisina kaninang umaga dahil dalawang araw ng may lagnat ang anak. Ang sabi ng doctor ay baka viral lang daw dahil uso ang trangkaso at normal naman ang laboratory results. Dalhin na lang daw ulit sa clinic kung hindi pa rin gumagaling sa loob ng tatlong araw. Pero kanina ay tumawag ang kanyang ina para sabihin sa kanya na dadalhin na lang daw nito si Dalton sa hospital dahil mas lalo pang tumaas ang lagnat at walang ganang kumain. Sa siyudad pa ng Bacolod isinugod ang anak dahil mas maraming hospital doon na kompleto sa pasilidad. Abot-abot ang kanyang panalangin na sana okay lang ang kanyang anak. Parang binibiro rin siy

