HINDI malaman ni Denver kung sino sa mga anak ang uunahin. Nag-aaway ang kambal na sina Damont at Damiyah – pawang dalawang taong gulang. Habang umiiyak naman sa crib ang mag-iisang taon gulang na anak na si Dahlia. Hindi naman niya makita kung nasaan si Dalton. Sa loob ng apat na taon simula nang magpakasal ulit sila ni Mara ay nakatatlong anak kaagad sila. Matapos isilang ang kanilang kambal ay nabuntis kaagad ito sa kanilang bunso. Wala ang kanyang asawa sapagkat nauna na ito sa venue kung saan pararangalan ito sa naimbentong robot na tinagurian na Asimo ng Pilipinas. Marunong din magsalita at kumilos ang naturang robot. Ngunit higit sa lahat ay kayang mag-detect ng bagyo dahil marunong sumukat ng intensity ng hangin. Bilib nga siya kung paano nababalanse ni Mara ang pag-aalaga sa ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


