Nakadama ng habag si Mara habang tinitingnan si Denver na pinilit pa rin makatayo sa kabila nang masamang pakiramdam nito. May kinuha ito sa drawer ng bedside table nito. Kaha ng sigarilyo at isang lighter. Pagkatapos ay sinundan niya ito nang lumabas ito ng kuwarto. Humantong sila sa sala. Sinindihan ni Denver ang sigarilyo. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na paghithit-buga nito. Bihira lang niya itong makitang naninigarilyo, iyon ay kung tensyunado o may mabigat itong dinadala tulad na lang nang ma-hospital ang kanyang Ate Bella noon dahil na-involve sa aksidente. Pinasok sa ICU ang kanyang kapatid dahil kailangan nito nang immediate attention, ulo kasi ang naging pinsala nito. Hindi ito nagkakamalay. Nakaabang lang sila noon sa labas ng Intensive Care Unit dahil isa lang ang pwedeng