Binigyan ng payo ni Ante Nancy si Priya sa dapat nitong gawin. Nag-aalala na rin kasi siya sa dalaga dahil napalapit na ang loob niya. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng awa para rito kaysa sa Young Master niya. Hindi na rin kasi matiis ni Ante Nancy ang nangyayari sa pagitan ng dalawa. Napapansin ni Alken na mas lalong tumitindi ang galit nito sa dalaga. "Hija, sana huwag mong isipin na kinakampihan ko ang amo ko. Kilala ko si Alken. Alam kong masama ang ugali niya dahil ganoon siya pinalaki. Kaya alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kapag napuno na siya sa 'yo. Kung tutuusin ay mas mainam na ito kaysa patayin ka niya kaagad. Sana ay makinig ka sa akin bilang nakakatanda sa 'yo. Maaari bang huwag mo siyang sasagutin ng kung ano-ano dahil masasagi mo ang pride niya

