Kasing bilis ng hangin ang pagdating ni Alken ngayon sa mansyon. Habang nasa byahe pa siya ay naisip niya na patigilin na si Priya sa trabaho nito. Kahit na ito pa ang dahilan ng pagtatalo nila. Hindi siya papayag na ganito na lang siya palagi. Mag-aabang sa dalaga at titingnan kung paano ito nahihirapan at gaano kamiserable sa kaniyang trabaho. Isa lang ang alam ngayon ni Alken para mapanatag ang loob niya. Tumigil ito sa trabaho dahil hindi makakabuti sa kanilang relasyon kung mananatili pa rin si Priya sa trabaho niya. Natatakot siya na anumang oras ay maagaw sa kaniya si Priya. Kung ang mga babae ay nandidiri at natatakot sa kaniya dahil isa siyang ex-convict. Kabaliktaran naman ang mga lalaki. Wala silang pakialam sa nakaraan ni Priya at naiinis si Alken dahil wala si

