Napatayo si Mang Jose nang makita niyang papalapit sa kaniyang gawi ang kaniyang Young Master. Tiningnan niya ang cellphone niya dahil baka nalingat lamang siya at hindi napansin ang tawag ng kaniyang Young Master. Pero walang nakalagay na miscalled sa screen, bilang patunay na siya nga ay kinontak nito. Malalim na rin ang gabi at kung hindi lamang siya inatake ng insomnia niya dapat ay kanina pa siya natutulog sa kaniyang kwarto. "Young Master, may lakad po ba kayo?" tanong ni Mang Jose habang binubunot ang susi na nalalagay sa bulsa niya. Wala namang ibang dahilan para lapitan siya nito kaya naging alerto siya at balak na sanang ihanda ang susi upang makaalis na sila kaagad. Nang hindi niya mabunot sa bulsa niya ay inayos niya ang tayo niya para makuha ang susi. Natawa pa

