Parang nabingi si Priya sa sorpresa sa kaniya ni Alken. Ngayon na lang ulit siya nakatanggap ng regalo sa buhay niya simula ng makalaya siya mula sa kulungan. Muntik na nga niyang makalimutan ang pakiramdam ng maging masaya dahil sa lahat ng dinanas niyang paghihirap. At para siyang nananaginip lang ng gising dahil ang regalong ito ay hindi lamang basta-basta, kundi ito ang labi ng kaniyang ina. Ang labi na matagal na niyang hinahanap sa sementeryo. Sa mga kamalasan na nangyari sa buhay niya. Maraming mga bagay na hindi niya inaasahan na mangyayaring maganda. At isa sa hindi niya inaasahan na gagawin ni Alken sa kaniya ay ang nangyari ngayon. Namilog ang mga mata ni Priya ng makita ang jar na may lamang abo habang ang mga mata niya ang naluluha sa tuwa at galak. Ang puso ni

