Chapter 41

1260 Words

Walang nagawa si Priya para sa sarili niya. Hindi na rin niya alintana ang gutom niyang sikmura. Iyak lang siya nang iyak na para bang batang iniwan lang ng mag-isa sa lansangan ng mga magulang. Alam niyang nasa tamang edad na siya ngayon at dapat na niyang maging malakas para sa sarili niya ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang sariling mangulila sa kaniyang ama. Parte pa rin ito ng buhay niya at hindi siya mabubuo kung wala ang ama niya. Mahalaga ito sa kaniya at mahal na mahal niya ito kahit kabaliktaran man ang nararamdaman ng ama nito para sa kaniya. "Kahit minsan ay hindi po kayo nawala sa isip ko… Papa... kayong dalawa ni Mama. Kahit hindi ninyo ako dinalaw kahit minsan man lang sa kulungan ay hindi ako nagdamdam. Kahit na kinakahiya niyo ako bilang anak niyo ay mahal ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD