Magdamag na binantayan ni Alken si Priya sa hospital at mula ng dalhin niya ito ay hindi pa rin ito nagigising. Gusto niyang makita na magmulat na ito ng mga mata. Pero sa kabilang banda nais din niyang magpatuloy ito sa pagtulog upang magkaroon ng mahababg pahinga. Makikita sa mukha ni Priya ang labis na pagod. Nangingitim na rin ang ilalim ng kaniyang mga mata. Halatang kulang na kulang ito sa tulog. At hindi lingid sa kaalaman ko kung bakit siya napupuyat palagi. Alam ko na hinihintay niya ako palagi. Masyado rin siyang na stress sa mga nangyayari kaya muntik na siyang makunan. Sa tuwing naalala ni Alken ang mga sinabi sa kaniya ng Doctor matapos ang mga laboratory test ay gusto niyang ibuntong ang lahat ng sisi kay Miguel. "Hindi mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi dahil

