Pagkatapos isipin ni Alken ang sinabi ni Priya. Ngumiti siya bago tumugon. Hinaplos niya ang mukha ng dalaga bago nagsalita. "Tama ka. Sa pagkakataong ito, ikaw lang muna ang iisipin ko. Wala munang problema. Ayaw kitang mapahamak at pangakong nandito lang ako palagi sa tabi mo, Priya. Hinding-hindi kita iiwan at pababayaan," nangangakong sabi ni Alken kay Priya. Muli na naman kasing binuksan ni Priya ang paksa tungkol sa paghuli kay Miguel. Sa tuwing nakikita ni Priya na nagbibihis si Alken ng damit. Kinakabahan na naman ang dalaga na baka umalis na naman ito para tugisin si Miguel. Tila nagdududa pa si Priya na magagawa siyang pagbigyan ni Alken ng ganoon lang kadali. Ang akala niya, sinasabi lang ni Alken ang lahat ng gusto niyang marinig. Pero ang pangakong sinabi ni Alken

