Pagkatapos magkaayos ng dalawa ay kumain sila nang sabay gaya ng unang plano ni Alken. Uminom din sila ng wine at naubos nilang dalawa ang isang bote. Hindi man sila nalasing pero pareho nilang naramdaman ang init sa katawan. "Go to sleep, I know you're still sleepy," mando ni Alken sa dalaga matapos nilang mag-inuman. Inalalayan ni Alken ang nobya na humiga ulit sa kama kahit na ang totoo ay hindi na kaya ni Priya na bumalik sa pagtulog. Mas gugustuhin niya pang makipagkwentuhan dito dahil sobra niya itong na-miss. Pakiramdam ni Priya, ang isang gabing walang kibuin nila ay parang isang linggo na. Nalungkot siya ng husto sa nangyari ngunit napalitan naman ng saya dahil hindi lang pala siya ang may balak na humingi ng tawad dahil pati ito ay may ginawa rin. Kaya lang naman

