DINALAW ni Farah ang mama niya sa safe house. Sinamahan naman siya ni Derek. Nang ibalita niya rito ang tungkol sa relasyon nila ni Derek ay tuwang-tuwa ito. Nasa yate sila at magkasalo sa tanghalian. Mamaya’y biglang nalungkot ang ginang. “Bakit ‘Ma?” nag-aalalang tanong niya. “Nagkata kami ng kuya mo kagabi,” sabi nito. Napamata siya. Nagkatinginan sila ni Derek. “N-nasaan na po siya?” tanong niya pagkuwan. “Umalis din siya kaagad. Meron daw siyang mga kasama na hindi niya puwedeng iwan. Nakiusap ako na huwag na siyang lalayo pero hindi siya nakinig.” Nag-uunahan na sa pagpatak ang luha ng ginang. Para namang dinudurog ang puso niya habang iniisip si Sanjen. Talaga palang wala nang balak bumalik sa kanila ang kuya niya. Ginagap niya ang kamay ng kanyang ina. “Huwag po kayong mag-a

