"Vivian... I'm so sorry--" "Go away, Clinton. Dahil kahit ilang beses ka mang mag-sorry sa'kin ay hindi mo na mababawi ang mga nangyari," matigas na sabi ni Jessica. Nakakuyom ang mga kamay niya na hanggang ngayon ay nananakit pa rin dahil sa pananakit niya kanina kay Jessica at kay Clinton. "Hintayin mo na lang ang ganti ko sa inyo. At kung hindi ko man iyon magawa, naniniwala ako na ang karma ang gagawa niyon para sa'kin. Digital pa." Pinahid ni Vivian ang mga luhang bumabalong sa mga mata niya at lalo pa niyang pinatigas ang anyo nang humarap siya uli sa lalaki. "Umalis ka nang hayop ka at baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo. Kung gusto mong dalhin si Jessica para malaya n'yo nang maipagpatuloy ang mga kababuyan n'yo, bahala ka. Simula ngayon ay wala na akong pakialam sa ahas na iyon.

