Narinig niya na humugot din ito ng malalim na hininga bago siya hinalikan sa noo. "Saglit lang ako. Promise," pagkasabi niyon ay umalis na sa aktong pagpatong sa kaniya si Stephen at nagmamadali ang mga yabag na lumabas ito ng kuwarto. Nang makaalis ang binata ay parang nakalutang sa ulap na nahawakan ni Vivian ang mga labi niya na hinalikan nito kanina at buong puso niyang pinaubaya. Kahit anong pilit niyang isipin na hindi siya dapat nagpatangay sa init ng kaniyang katawan at sa kakaibang damdamin na nararamdaman ay nangingibabaw pa rin na hindi iyon halik na wala lang. Hindi iyon halik na wala lang dahil muntik na niyang isuko ang isang bagay na twenty four years niyang iniingatan at tatlong taon na ipinagkait noon kay Clinton. Mariin na napapikit si Vivian nang tila nananadya ang

