Katulad ni Hendrix ay nakita rin ni Ice na niluwangan din ni Don Herardo ang necktie nito na para bang biglang nasakal sa inasta ng anak. Ngunit hindi na ito kumibo hanggang sa makalabas sila ng opisint nito sa mansiyon na iyon. Batid ng matandang Mejica na kahit ano mang pamimilit ang gawin nito ay hindi nito mapapayag ang anak na maging parte ng mafia na itinatag nito. "Ice," tawag sa kaniya ni Hendrix bago pa man siya makarating sa maindoor. Samantalang inutusan naman nito ang iba pang mga tauhan na mauna na sa labas. "Kumusta ang pinapagawa ko sa'yo sa Washington? Nahanap mo na ba si Vivian? Two days ko na siyang hindi ma-contact. Iniisip ko na baka nagpunta lang siya kung saan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang ginawa sa kaniya ng hayop na Clinton na iyon." "Hi

