At para itago iyon ay inirapan lang niya ito at dali-dali nang dumiretso sa kuwarto niya. Nang makapasok sa kuwarto niya ay kaagad na hinubad ni Vivian ang damit niya at basta lang ipinatong sa ibabaw ng kama ang mga iyon, kasama ang underwear niya. Mamaya na niya aayusin sa laundry basket pagkatapos niyang magbihis. Hubo't hubad na naglakad patungo sa kaniyang walk-in-closet si Vivian para magbihis. Mahina siyang napamura nang maalalang hindi pala niya na-i-lock ang pinto. Nag-alala siya na baka mainip ang lalaki sa paghihintay sa kaniya at maisipan siya nito na sundan doon. Dahil sa pagmamadali ay hindi na nag-abalang magtapis ng towel si Vivian at patakbong lumabas ng walk--in closet. Pero nang makita niya ang lalaki na nasa loob na ng silid niya at nakasandal sa likod ng pinto haba

