"That's my personal life," ani Vivian na pilit pinapatapang ang boses. "Wala ka nang pakialam doon. At para sa isang lalaki na gaya mo, masiyado kang tsismoso." Hindi kumibo si Ice at ngumisi lang nang nakakainsulto. Pagkatapos ay bigla uli naging seryoso at naging malamig na naman ang tingin sa kaniya. Samantalang hindi naman maalis-alis ni Vivian ang tingin niya rito. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwala sa malaking transformation nito. Mula sa pagiging madungis na binatilyo noon ay napaka-neat and clean na nitong tingnan ngayon. Bagaman at rugged pa rin itong manamit mula noon. Guwapo at macho na ito noon pa man. Pero hindi niya akalain na mas lalo pang gumanda ang katawan nito at mas naging guwapo. Yes, he was so handsome at hanggang ngayon ay hinahangaan pa ri

