At parang ngayon niya gustong bumawi sa kaibigan. "I'm sorry," she said sincerely. Inabot niya ang kamay ni Ice para sana hawakan iyon. Pero umiwas ito. Mayamaya pa ay tumayo na ito. Niligpit nito ang mga pinagkainan nila at dinala sa lababo. "Sige na, magpahinga ka na sa sala. Ako na ang bahala rito," pormal nitong saad at saka humarap sa lababo. "Matulog ka na rin pagkatapos mong magpatunaw ng kinain." Tumayo na rin si Vivian. Hindi para sundin ang utos nito kundi lumapit din sa lababo. "Tutulungan na kita sa paghuhugas." Akmang dadamputin niya ang pinggan nang agawin iyon sa kaniya ni Ice. "Gabi na para makipagtalo pa ako sa'yo. So, please. Just do what I say," baling nito sa kaniya. Ayaw ni Vivian na lalong mainis sa kaniya si Ice kaya sumunod na lang siya rito at tumalima na

