Pilyang napangiti ang dalaga at inayos ang comforter sa katawan ng binata bago ito muling sinulyapan. He was so handsome and hot while sleeping. Ang sarap sanang bumalik ng higa at sumiksik uli sa katawan nito. Pero mas masarap magluto sa umaga kung ang ipinagluluto mo ay ang taong minsan nang naging mahalaga sa puso mo. Bago tumungo sa kusina ay nagsuklay muna ng buhok si Vivian at pumasok sa banyo para magmumog at maghilamos. Ang buong akala niya ay lalabas siya roon na mahimbing pa rin ang tulog ni Ice. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat ng dalaga nang makita niya itong nagpi-flexing na. Napalunok si Vivian nang tumambad sa mga mata niya ang malalaking muscles nito sa braso na nakalabas dahil sa suot nitong sando. Hindi rin sinasadya na bumaba ang tingin ng dalaga sa nakabakat nitong

