"Kung na-inform lang ako agad ni Kuya Hendrix na pati pala ang pagli-lipstick ko ay concern din ng bodyguard ko, hindi na sana ako pumayag sa ganitong set up," napipikon na mungkahi ni Vivian. "Just do what I say. It's for your own sake." She looked sharply at him. "Okay, fine." Pahablot na kinuha niya ang tissue sa bag para punasan ang mga labi niya. Ngunit sa gulat ng dalaga ay bigla siyang inunahan ni Ice. Kumuha rin pala ito ng panyo at ito na ang nagpunas ng bibig niya. Nakanganga na napatitig lang sits rito habang marahan na humahaplos sa mga labi niya ang mabangong panyo nito. Pareho pa silang natigilan na dalawa nang hindi sinasadya na dumikit ang daliri nito sa ibabang labi niya. Parang napapaso naman na umiwas si Vivian. Samantalang titig na titig pa rin sa kaniya si Ice. Par

