"What on earth, dude? Bakit hindi ka sumasagot?" nagtatakang tanong ni Jigsaw mula sa kabilang linya nang balikan ito ni Ice. Nawala kasi siya sandali dahil sa babaeng kausap niya sa cellphone ni Hendrix kanina. "Ang sabi ko, nakahanda na ang mga produkto na i-export sa China. Go signal na lang ni Boss ang hinihintay."
"Good." Napatango-tango si Ice. "Siguradong matutuwa niyan si Boss. Eh, 'yong shipment para sa Cambodia? Settled na rin ba?"
"Kasado na. Alam mo naman ako. Daig pa ang express bullet kung magtrabaho. Mabilis dumiskarte kapag guwapo, eh."
He smirked. Minsan ang sarap upakan ni Jigsaw dahil sa kayabangan. Hanggang ngayon nga ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ito ang unang nakasundo niya nang pumasok siya sa grupo ni Hendrix.
Pero may dahilan din naman talaga na magyabang si Jigsaw. He was an asshole with looks and brain. "Mabuti naman kung gano'n. Sasabihin ko na lang kay Boss para makapagbigay na siya ng go signal."
"Okay, dude." Sandaling natahimik sa kabilang linya. "Siya nga pala, Ice. Paano nga pala ang mga kargamento na naka-hold ngayon sa Customs?"
"Don't worry. I'll handle it." Sumandal siya sa swivel chair at ipinatong ang dalawang paa sa lamesa. "May kausap na ako regarding doon. In two days, mababawi rin natin iyon."
"Okay, okay. Bilib na talaga ako sa'yo. Walang duda kung bakit kahit bago ka pa lang ay ginawa ka na agad na kanang kamay ni Boss." Natawa nang pagak si Jigsaw. Walang halong bitterness ang boses nito kahit mas matagal na ito sa grupo kumpara sa kaniya. "At siyempre, dahil kababata ka niya.
Ngumisi lang si Ice at hindi na nagkomento pa. "I'll go ahead. Patapos na ang meeting ni Boss. Kailangan na ako sa labas. Just make it sure na hindi mabubulilyaso iyang sa China at Cambodia. That's one of our biggest deals this year. Ayokong ma-disappoint si Boss."
"Okay, I will." Akmang papatayin na ni Ice ang tawag nang magpahabol si Jigsaw. "Hold on a second, dude. Pupunta ka ba sa party mamayang gabi? May mga ireregalong chicka babes daw si President H para sa mga dadalo." Si President H na sinasabi nito ay ama ni Hendrix.
"Bahala na mamaya," bored na sagot ni Ice. "Kung pupunta man ako, iyon ay dahil sasamahan ko si Boss kapag um-attend siya. At hindi dahil sa mga chika babes na sinasabi mo."
"Abnormal."
*F*ck you."
"Yes. F*ckboy is the new normal." Tumawa lang si Jigsaw bago nagpaalam na rin. "Sibat na ako. Kailangan ko nang magtrabaho para maaga akong makapunta sa birthday party ni President H mamayang gabi."
"Okay, you do that." Ibinaba na ni Ice ang mga paa at tumayo na rin. "Be careful. Stop messing around."
"F*ck you," sabi naman ni Jigsaw at binuntutan iyon ng tawa.
"You're welcome very much," sagot naman ni Ice na walang kangiti-ngiti at pinutol na ang tawag.
Nang matapos ang pag-uusap nila ni Jigsaw ay inayos na ni Ice ang mga gamit niya na nasa ibabaw ng lamesa ni Hendrix. Siya ang most trusted personal bodyguard nito at mag-best friend pa sila. Kaya malaya nitong pinapagamit sa kaniya ang ano mang pag-aari nito. Kahit nga ang buhay ni Hendrix ay kay Ice din ipinagkakatiwala kahit ilang buwan pa lang siyang nagtratrabaho rito.
Kung mapagsamantalang tao lang siya, baka sa ilang buwan na iyon ay milyonaryo na sana siya.
Tapos na magligpit si Ice nang mapatingin siya sa mga picture frame na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ni Hendrix. Nakuha ang atensiyon niya ng isang partikular na larawan ng isang magandang babae. Ito ang babaeng kausap niya kanina sa cellphone ni Hendrix. Si Vivian.
Vivian. pag-uulit ng isip niya sa pangalan nito habang pinagmamasdan ang larawan nito.
Ilang sandali pang tumagal ang mga mata niya roon bago siya humugot ng malalim na hininga at lumabas na ng opisina ni Hendrix.
Nakasara pa ang conference room kung saan ay nasa loob niyon si Hendrix at may ka-meeting na mga international investors. Isang paggawaan ng stuff toy ang negosyo nito na ini-export sa iba't ibang panig ng mundo. Partikular na sa Asya.
Habang hinihintay na matapos ang meeting ng Boss ay nagtungo muna sa security office si Ice para i-check ang bawat CCTV na nakatanim hindi lang sa gusaling iyon kundi pati na rin sa mga factory. Isa sa mga trabaho niya ang magsiguro na walang bulilyaso sa mga negosyo ni Hendrix.
"How it's going over there?" usisa niya sa head security na si Tristan. Isa sa mga ka-close niya sa grupo ni Hendrix.
"Pretty normal," sagot nito. "Bukod sa mga abnormal na empleyado ni Boss na ginawang asawa ang mga produkto kapag natutulog sa gabi."
"That's not a problem. Tanggalin lahat ng mga lumalabag sa rules and regulations ng company."
"Paano kung panagutan naman nila ang mga nagalaw nilang stuff toys? Tatanggalin pa rin ba sila? Paano pa sila makakapagbigay ng sustento kung mawawalan sila ng trabaho?"
Tiningnan niya nang masama si Tristan. "Say that again and I will skin you alive."
Tinawanan lang siya nito. Siya naman ay lumabas na ng security office para balikan si Hendrix. Tamang-tama naman ang pagdating niya dahil bumukas na ang conference room at sunod-sunod na lumabs ang mga naka-tuxedo na kalalakihan. Ilan sa mga ito ay mga banyaga. Si Hendrix ang pinakahuling lumabas. May kausap at kasabay itong isang Malaysian.
"See you tonight, Mr. Wan. My father would be glad if you attend his birthday party," narinig niyang sabi ni Hendrix.
"It's also my pleasure to meet your father, Mr. Mejica."
Nag-shake hands ang dalawa bago naghiwalay ng landas. Si Hendrix ay lumapit sa kinaroroonan ni Ice habang kasunod ang iba pang mga bodyguards nito. Habang ang Malaysian naman ay pumasok na sa elevator na kasama rin ang tatlong bodyguards nito.
Ibinulsa ni Ice ang hawak na cellphone at sinalubong si Hendrix. "Kumusta ang meeting, Boss?"
"You know, same as always, a bit boring." Hendrix chuckled.
Batid ni Ice ang ibig nitong sabihin. At iilan lang sila sa gusaling iyon ang nakakaalam ng totoo kung bakit nito na sabi na boring ang pakikipag-usap sa malalaking investors. If Hendrix has only had a choice, ibang mga kliyente ang gusto nitong makasalamuha noong araw na iyon.
"Siyanga pala, Boss," wika rito ni Ice habang sinasabayan ito sa pagpasok sa opisina nito. "Tinawagan ko na si Jigsaw kanina. Go signal na lang daw ang kailangan."
"Really?" Umaliwalas ang kanina ay makulimlim na mukha ni Hendrix. "Well, at least, may narinig akong good news today. Good job para sa inyo ni Jigsaw."
Hindi nagkomento si Ice at naghihintay lang sa iba pang sasabihin o ipag-uutos ni Hendrix. At habang naghihintay ay parang tukso naman na napatitig siya sa litrato ni Vivian. Noon niya naalalang sabihin kay Hendrix na tumawag nga pala ito kanina.
"Your sister called earlier. Tatawag na lang daw siya uli mamaya."
"Buti hindi ka kinulit." Hindi sumagot si Ice. Sanay na rin si Hendrix sa pagiging matipid niyang magsalita kung minsan. Lalo na kung hindi lang din naman tungkol sa trabaho. "Nagpakilala ka ba sa kaniya? O naalala ka niya?"
"I don't think so." He just shrugged. "Anyway, kailangan ko palang umalis nang maaga at pupunta pa ako ng Customs," pag-iiba niya ng usapan. "I will make it sure na makukuha natin within two days ang mga hold products natin sa kanila."
"Bumalik ka agad. Kailangan kong pumunta sa birthday party ni Daddy."
"Okay," matipid niyang tugon.
"Ayoko nga sana, eh. Kaso pupunta si Mr. Wan. Gusto niyang makaharap ng personal si Dad bago siya mag-invest sa Indigo," pangalan ng company nito ang tinutukoy ni Hendrix. "Anyway, you should come, too. We can have fun in party's tonight." Ngumisi lang ito dahil alam nitong kabaligtaran iyon.
Alam ni Ice na hindi gusto ni Hendrix ang ideyang makakakuha lang ito ng investor dahil sa impluwensiya ng ama. Pero pareho nilang alam na kailangang-kailangan nila si Mr. Wan para sa pagbubukas nila ng branch sa Malaysia. Pag-aari kasi nito ang isa sa pinakamalaking shipping company sa nasabing bansa. Kapag nangyari iyon ay mabilis na lang para sa kanila ang maglabas-masok ng ano mang produkto sa Malaysia.
"May ipapagawa ka pa ba?" tanong ni Ice kay Hendrix bago tumingin sa suot na relo.
Umiling ito. "Tatawag na lang ako kapag may kailangan ako sa'yo. Just keep me in the loop. Importante na mabawi natin ang mga produktong iyon. Triple the price if needed. Kapag hindi pa rin pumayag, alam mo na kung ano ang dapat na gawin."
"It's all good. I already working on it."
"Good. You can go now."
Tumango lang si Ice. Bago lumabas ng opisina ni Hendrix ay hindi sinasadyang napatingin na naman siya sa larawan ni Vivian.
At napailing na lang ang binata.
Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay hindi sinasadyang naririnig ni Ice ang pag-uusap ng dalawang babaeng empleyado na nasa likuran niya. Kahit naman kasi hindi niya iyon pakinggan ay imposible pa rin na hindi niya marinig. Medyo malakas kasi at parang sinasadyang iparinig sa kaniya. Tapos siya pa ang topic.
"Grabe, bakla. Ang guwapo-guwapo talaga ni Ice, 'no? Super hot pa," sabi ng isang babae na hindi niya pinagkaabalahang lingunin at alamin ang hitsura. Pero sa pananalita pa lang ay halatang easy to get na. "Kung siya ang magiging boyfriend ko, baka pikutin ko na."
Lihim na napailing na lang si Ice. Sanay na siya sa mga babaeng vulgar at lantaran kung mang-akit sa kaniya. Sino ba naman kasi ang hindi maaakit sa kaniya kung pareho siyang biniyayaan ng magandang hitsura at pangangatawan?
"Sayang lang at ang hirap niyang abutin. Napaka-cold," sabi naman ng isa pang babae.
Naulinigan ni Ice na nagbulungan ang dalawang babae at saka naghagikhikan na para bang may malisyosong pinag-usapan. Nagtitimpi na nauna nang pumasok sa loob ng elevator si Ice nang bumukas iyon. Dali-dali namang sumunod ang dalawang babae. Kamalas-malasan ay walang ibang sakay maliban sa kanila.
"Hi, Ice. Ano'ng floor ka?" malandi na tanong sa kaniya ng isa na sinadyang harangan ang control panel bago pa man niya mapindot ang floor na gustong puntahan.
Hindi sumagot si Ice at basta lang nakatitig sa pintuan ng elevator. Wala siyang oras sa mga ganitong klase ng babae. Gusto niya ay iyong mga mahinhin at may respeto sa sarili. Kaso sa panahon ngayon ay parang mahirap nang makahanap ng ganoong uri ng babae. Kaya nga sa edad na bente sais ay isa pa lang ang naging girlfriend ni Ice.
Kung nagkakaroon man ng babae sa buhay niya iyon ay ang para punan lang ang pangangailangan niya bilang isang lalaki.
Gayon pa man, gusto ni Ice ay siya pa rin ang kusang lalapit. Ayaw niya nang hinahabol-habol siya at kulang na lang ay maghubad sa harapan niya. Katulad ngayon.
"Ice, anong floor ka?" tanong uli ng babae nang hindi pa rin niya ito iniimik. At mukhang walang balak na tumigil hangga't hindi niya pinapansin.
"GF," maikling tugon ni Ice para lang tantanan siya ng babae.
Todo-kilig naman ito at dali-daling pinindot ang button na sinabi niya. Bukod doon ay hindi na uli siya nagsalita kahit panay pasaring ng mga babae. Nakalimutan na nga ng mga ito na bumaba sa third floor. At nang makarating sa ground floor ay nagmamadali nang lumabas si Ice para makarating agad sa pupuntahan.
"Narinig mo 'yon, bakla? Tinawag niya akong 'GF'," narinig pa niyang sabi ng babae sa tonong kinikilig.
Napapailing na lang si Ice habang papalayo. Ang pumatol sa mga ganoong uri ng babae ang pinakahuling bagay na gagawin niya sa buong buhay niya.