Nagmamadaling lumakad pabalik sa mansiyon si KMJS nang biglang sumagi sa isip niya ang mga sinabi sa kaniya ni Hendrix kaninang umaga. You are a fool to think that you can replace Cucu in my life. You are nothing to her." Hindi pa ba maliwanag sa'yo? Na nagawa ko lang iyon dahil sinamantala mo ang kalagayan ko. Because I know myself, Kathleen. Hindi ko kayang lokohin ang asawa ko. "Sira-ulo talaga ang taong 'yon, ah!" malakas na sigaw ni Kathleen, sabay hinto sa paglalakad. "Ikumpara ba naman ako sa asawa niya? Natural, doctor 'yon at raketera lang ako. Asawa niya 'yon at girlfriend lang niya ako. Walang-wala talaga ako do'n!" Tumutulo na ang luha na humarap sa malawak na karagatan si KMJS. "Sira-ulo ka, Hendrix! Ikaw lang itong may amnesia pero pati ako, nababaliw na rin!" Dumampot si

