Maganda ang gising ni KMJS kinabukasan. Magaan ang kaniyang pakiramdam kahit ilang beses siyang inangkin ni Hendrix kagabi. Hindi naman kasi nito hinayaan na mapagod siya nang husto. Ito lang ang todo galaw. Tapos siya naman ay puro pasarap lang kumbaga. Talagang iningatan nito ang magiging baby nila kahit hindi pa nga sila sigurado. Umunat ang dalaga pagkatapos niyang magtanggal ng muta sa mga mata niyang kadidilat lang din. Nang mabaling ang tingin ni KMJS sa gawi ng bintana ay nakita niyang maliwanag na ang kalangitan. Parang walang bagyo lang ang dumaan. Kahit kaunting patak ng ulan ay wala nang makikitang bakas. Masaya ang dalaga dahil gumanda na ang panahon. Ibig sabihin ay makakauwi na siya at maisasama na niya si Hendrix. Sa wakas ay maipapakilala na rin niya ito kay Tatay Asyon

