Typos and grammatical error ahead!! "Hi!." Napatingin siya sa akin. Tila kinikilala kung sino ako pero agad ding nagbawi ng tingin at muling iginala ang paningin sa paligid. "Ehhh! Nasaan na siya." Tanong niya sabay napakamot ng ulo na parang bata pang tinaguan siya ng taong hinahanap niya. Hindi na niya ako pinansin at nilagpasan na niya ako. Napasunod na lang ang tingin ko sa kanya ng nakapasok mismo sa gate ng Campus namin ng walang kahirap hirap dahil nakasuot siya katulad ng uniform namin. Kahit hindi man niya ako pinansin ay napapangiti na lang ako na nakatingin sa kanya. Ang kyut niya talaga. Noon ko pa siya napapansin. Nakaabang lamang siya sa labasan ng gate ng paaralan namin at may hinihintay. Inaabangan sa araw araw pero hindi ko naman alam kung sino dahil sa dami ng mga e

